MAGBIBIGAY ng P100-K pabuya si Batangas Vice Governor Mark Leviste para sa makapagbibigay ng impormasyon para sa mabilis na paghahanap sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.
Hinimok din ng Batangas Police ang sinumang may impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ni Camilon na makipag-ugnayan sa Tuy Municipal Police Station sa pamamagitan ng numero 0998-598-5711.
Matatandaan na iniulat ng pamilya ng 26-anyos na beauty queen ang pagkawala nito noong Oktubre 12.
Batay sa ulat, huling nakita si Camilon na sakay ng isang Nissan Juke SUV na may plakang NEI 2290 na patungong Bauan, Batangas para sa isang meeting.