KAILANGAN ng batas para maayos na maipatupad ang pagkanta at pagbigkas ng “Bagong Pilipinas” hymn at pledge.
Ayon ito kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III dahil hindi aniya sapat ang memorandum circular lang.
Mainam aniya na maghain ng panukala ang executive branch na naglalaman ng naturang ideya.
Matatandaang sa ilalim ng Memorandum Circular 52, ipinag-utos ng Malacañang sa government agencies, instrumentalities at local government units na isama sa kanilang weekly flag ceremonies ang “Bagong Pilipinas” hymn at pledge.