Bawas buwis sa kuryente at petrolyo, muling ipinanawagan ni Yorme

Bawas buwis sa kuryente at petrolyo, muling ipinanawagan ni Yorme

NANINIWALA si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno na may panahon pa para maaksyunan ng Kongreso ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay Moreno ayaw niyang pangunahan ang mga mambabatas pero nakikiusap siya na bawasan na muna ang excise tax ng 50% o tuluyan na muna itong kanselahin para sa kapakanan ng taumbayan.

Aniya hindi pa tumataas ang sweldo ng taumbayan at posibleng mawalan ito ng panggastos sa oras na magtuloy-tuloy ang taas presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado.

Ngayong araw ay epektibo ang malakihang taas-presyo ng krudo kung saan limang piso ang itinaas sa kada litro ng diesel at tatlong piso mahigit sa gasolina at kerosene.

Follow SMNI NEWS in Twitter