IPINANGAKO ni Manila Mayor at presidential candidate Isko Moreno ang proteksyon para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Ayon pa kay Moreno, titiyakin niyang hindi makalulusot ang mga smuggler ng bigas, bawang, sibuyas at gulay sakaling mailuklok sa pwesto.
Aniya, ito ang pinakapangunahing dahilan kung bakit hindi nakakabenta sa magandang halaga ang mga lokal na magsasaka.
Sisilipin din aniya ang Rice Tariffication Law dahil pinapayagan nito ang pagpasok ng murang bigas mula sa ibang bansa na nagiging dahilan muli ng pagbaba ng presyo ng lokal na produkto.