MAGKAKAROON muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa monitoring ng oil industry sources, nasa P1.70 hanggang P1.90 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Nasa P0.90 hanggang P1.10 naman ang maaaring matapyas sa diesel.
Habang nasa P1.60 hanggang P1.80 ang ibababa sa kada litro ng kerosene.
Ang inaasahang bawas-presyo sa susunod na linggo ay bunsod ng pagtaas ng produksyon ng langis.
Noong nakaraang linggo, halos P1 ang binaba sa presyo ng gasolina at diesel habang higit P1 naman sa kerosene.
Follow SMNI News on Rumble