MAHIGPIT na tinututulan ni Agap Party-List Rep. Nicanor Briones ang panukalang bawasan ang taripa sa imported na bigas.
Ito ang mungkahi ni Finance Sec. Benjamin Diokno para maging stable ang presyo ng bigas sa bansa.
Pero ayon kay Briones, hindi lang ang mga magsasaka kundi ang lahat ng sektor ng agrikultura ay maaapektuhan ng naturang hakbang.
Kabilang na aniya rito ang mga magbababoy, magmamanok at iba pang produkto.
Kaugnay rito, ipinunto ni Briones na sa halip na ayuda o cash aid, ay mas mainam kung food stuff na lang ang ibibigay sa mga mahihirap kung saan gagamitin lamang para sa mga lokal na pagkain.
Makatutulong din aniya ito sa mga magsasaka.