NAGPAPATULOY ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao at Binga Dam ngayong Miyerkules Setyembre 6 matapos ang malalakas na pag-uulan dulot ng hanging habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mayroong tig-tatlong gate ang Ambuklao at Binga Dam na binuksan nitong 9 am ng Miyerkules.
Umabot sa 751.05 meters malapit na sa kaniyang normal na taas na 752-meter habang nasa 573.76 malapit sa kaniyang normal na taas na 575-meter ang Binga Dam.
Tumigil naman sa spilling operation ang Ipo Dam nitong Martes.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa mga lugar na malapit sa dalawang dam na maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.