MAGANDA ang hosting ng Pilipinas ayon kay FIBA World Cup 2023 Executive Director David Crocker.
Sa pahayag nito, sinabi ni Crocker na isang record-breaking ang live attendance sa World Cup; state-of-the-art at puno ng kasaysayan ang sports facilities; “excellent” din kung tawagin ang handling sa FIBA Congress Manila 2023.
First class din aniya ang hotel accommodations at transportation; at episyente rin ang bus service mula sa hotel accommodation papuntang practice venues at vice versa.
Lubos namang pinapasalamatan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio at Vice President Ricky Vargas ang naging evaluation ng FIBA Executive Director sa hosting ng Pilipinas.