BBM, dadalo sa The Deep Probe, SMNI Presidential Interview; Robredo, Moreno, Lacson at Pacquiao, umatras

BBM, dadalo sa The Deep Probe, SMNI Presidential Interview; Robredo, Moreno, Lacson at Pacquiao, umatras

BAGAMAN at hindi dumalo sa COMELEC Presidential Debate ang  frontrunner candidate na si Bongbong Marcos ay ito pa rin ang naging laman ng usapin sa naganap na debate.

Hamong kaliwa’t kanan ang tinanggap ni Marcos ngunit matatandaan  na ang apat na humahabol sa frontrunner  ay umatras ding dumalo sa unang presidential debate ng SMNI.

Sa naturang debate ay hinarap ni Marcos ang mga importante at napapanahong isyu na ipinukol ng mga ekspertong panelist.

Kabilang sa mga panelist ang political scientist na sina Professor Clarita Carlos, Atty. Rolex Suplico at Dante Ang.

Ang naturang debate ay umani ng papuri sa lahat ng mga manonood at naging sukatan ng mga debate sa kasalukuyan dahil sa mga tanong na makabuluhan at may kinalaman sa pagpapatakbo ng bayan.

Nilinaw din ng naturang debate panel na maging ang SMNI ay walang alam sa mga magiging katanungan ng mga panelist at walang kopya ng mga tanong ang naipamahagi sa mga dumalo.

Ang mga komento ng humahabol na mga kandidato patungkol sa di pagdalo ng mga debate ay:

Ayon kay Senator Manny Pacquiao mahalaga ang pagsipot sa mga debate upang maipakita ang sinseridad at ang tunay na hangarin ng mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Itinuturing naman ni Senator Panfilo Lacson  ang debate upang maging patas ng playing field ng mga kumakandidato.

Habang si Mayor Isko Moreno naman ay itinuturing ang pagdalo sa mga debate na tila isang aplikante na nag a-apply ng trabaho at dapat aniya nakikita at nakakausap ang nag a-apply ng trabaho.

Sinabi naman ni VP Leni Robredo sa mga hindi dumadalo sa mga debate, hindi ka lider kung hindi ka nagpapakita.

Aniya kahit mahirap kailangan nandiyan ka.

Sa isang pahayag naman ay hinamon ni Manny Pacquiao ang frontrunner na si Bongbong Marcos ng one-on-one debate.

Taliwas sa kanilang mga pahayag, sina Lacson, Robredo, Moreno at Pacquiao ay hindi sumipot sa unang SMNI Presidential Debate.

Sa pangalawang pagkakataon, sa Marso 26 ay muli namang kinumpirma ni Bongbong Marcos na siya ay dadalo sa The Deep Probe, the SMNI Presidential Candidates Interview at haharapin ang mga de kalibre na panelist ng SMNI habang umatras namang muli sina Robredo, Lacson, Moreno at Pacquiao.

Follow SMNI News on Twitter