NANGUNGUNA sa survey ng OCTA Research Group ang tambalang BBM-Sara para sa 2022 elections.
Sa survey na isinagawa nito noong Disyembre 7 hanggang 12, nakakuha ng kabuuang 54% si dating Senador Bongbong Marcos kung saan sa Mindanao lang ay 63% ang nakuha nito.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng kabuuang 14%; 12% kay Isko Moreno; 10% kay Manny Pacquiao at 5% kay Ping Lacson.
Sa Vice Presidentiables, 50% ang kabuuang nakuha ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte kung saan sa Mindanao lang ay 71% ang nakuha nito.
Nasa 33% naman ang kabuuang nakuha ni Senator Tito Sotto III; 9% kay Senator Kiko Pangilinan; 4% kay Dr. Willie Ong; at 1% kay Lito Atienza.
Sa mga senador, nangunguna naman si Raffy Tulfo na may 66%; Chiz Escudero at Alan Cayetano na may tig-60%; Loren Legarda na may 58%; Migz Zubiri na may 57%; Jojo Binay na may 48%; Mark Villar na may 48% at Jinggoy Estrada na may 49%.
Mababatid na nanguna rin ang BBM-Sara tandem sa survey na ginawa ng Publicus Asia at Pulse Asia na inilabas noong nakaraang linggo.