Beauty Queen-Actress Aya Fernandez, ganap nang Army Reservist

Beauty Queen-Actress Aya Fernandez, ganap nang Army Reservist

GANAP nang Army Reservist ang beauty queen-actress na si Aya Fernandez.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Fernandez ang naging tagumpay nito matapos ang 45 araw na training bilang reservist sa Philipine Army Reserve Force.

Ipinaliwanag ng beauty queen-actress, dati pa ay may malaki siyang interes sa larangan ng combat at war fighting.

Maliban naman dito, isang licensed scuba diver din si Aya na aniya magagamit niya kung sakaling kakailanganin.

Maraming netizen naman ang natuwa sa panibagong achievement na ito ni Aya.

Follow SMNI NEWS in Twitter