MASAYANG sinalubong at ipinagdiwang ng actress-singer na si Belle Mariano ang angkan ng leading man nitong si Donny Pangilinan na tila nagkumpirma sa lumalalim na pagsasama ng screen couple sa totoong buhay.
Bagaman, hindi ibinahagi nila Belle at Donny ang mga update na ito sa kanilang official social media account, nag-post naman ang pinsan nitong si Gab Valenciano ng family photo kasama si Mariano.
Matatandaan na hindi unang beses na sumama si Mariano sa get-together ng angkan ni Donny dahil kinumpirma ni Pangilinan na kasama nila si Belle sa beach trip ng kanilang pamilya.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang indikasyon sa tunay na relasyon ng dalawa ay hindi naman kinukumpirma pa nila Donny at Belle ang label sa pagitan nilang dalawa.