Ben&Ben, nanalo ng Sudi National Music Awards

Ben&Ben, nanalo ng Sudi National Music Awards

NAPANALUNAN ng indie folk pop-band na Ben&Ben ang isa namang mahalagang tagumpay- ang parangal at pagkilala mula sa NCCA National Music Awards ng SUDI para sa taong 2021.

Ito ay dahil sa kanilang paglahok sa nasabing award giving body kasama ang mga kilalang musikero, singers, song-writers, at music researchers and educators.

Sa kanilang official social media account, shinare nila ang pasasalamat sa ahensya ng ‘Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining,’ pati na sa lahat ng mga tagahanga na naniniwala at tumatangkilik ng kanilang musika.

Ang ‘Sudi’ ay isang Ilocano adjective na ibig sabihin ay kilala, tanyag,  sikat o hinahangaan.

Kabilang din sa mga nakatanggap ng parehong pagkilala sa para sa taong 2021 ay ang Cebu Popular Music Festival at MSU-IIT Integrated Performing Arts Guild. Nasa 2022 awardees naman si Coke Bolipata, Gary Valenciano, Maria Alexandria Chua, Regine Velasquez, at SB19.

Year 2023 awardees sina Dr. Marie Jocelyn Marfil, UST Singers, at Vincent de Jesus.

Habang nasa lifetime category naman ang National Music Competitions for Young Artists o NAMCYA.

Samantala, nakatakdang mag-perform ang Ben&Ben sa The Venue at sa Thunder Valley Casino Resort sa Lincoln, California, USA ngayong July 12, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble