Benefit package para sa dengue patients, tinaasan ng PhilHealth

Benefit package para sa dengue patients, tinaasan ng PhilHealth

ITINAAS na ng PhilHealth sa P13-K mula sa P10-K ang benefit package para sa dengue patients.

Ipinatupad na ito simula noong Pebrero 14, 2024.

Sinabi na ng Department of Health (DOH) na malaki ang tsansa na tataas ang kaso ng dengue ngayong tag-ulan.

Sa katunayan, partikular na nakikita ang pagtaas sa Cordillera, Ilocos, Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Caraga, MIMAROPA, at Northern Mindanao.

Dahil dito, muling ipinaalala ng DOH na mag-ingat lalo na’t wala pang napatunayang epektibong gamot kontra dengue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble