NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga benepisyo na maaaring makuha ng mga manggagawa sa mga araw ng holidays.
Kamakailan ay idineklarang special non-working holiday ang Nobyembre 1 at special working holiday naman nitong Nobyembre 2.
Dahil rito, isa sa mga abiso ng DOLE na “no work, no pay” ang mga manggagawa sa mga araw na ito kahit pa idineklarang holidays.
Kasunod nito, nilinaw naman ng ahensya ang benepisyo na maaaring makuha ng bawat manggagawa sa araw na holidays.
Ipinaalam naman ni DOLE Policy Program Development Division Chief Nicanor Bon kung ano nga ba ang holiday pay at kung sinu-sino ang makatatanggap at magkano ang dapat asahan ng mga manggagawa.
Sinabi pa Chief Bon, lahat ng rank at file employees ay dapat mabigyan ng holiday pay anuman ang kanyang employment status gaya ng probationary, nag-uumpisa pa lang, kahit pa ito ay seasonal at casual, lahat ng ito ay entitled sa holiday pay kahit hindi pa ito pumasok.
Aniya, ngayon ay nagkataon na dalawa ang magkasunod na holiday nitong Lunes at Martes, isa sa mga requirement ay dapat pumasok ang bawat empleyado para ito ay mabayaran ng kanyang magkakasunod na holidays.
Nilinaw pa nito na kung pinapasok ang empleyado sa special non-working holiday ay mayroon itong karagdagang bayad na 30% na tinatawag na premium pay.
Kasunod nito, dahil sa kasalukuyang pandemya ay binibigyan ng exemption mula sa pagbabayad ng holiday ang mga establisimyento.
Sa datos ng DOLE, nasa 97% na mga establisimyento ang nag-comply sa holiday pay habang nasa mahigit 1,500 mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon ang hindi nag-comply.
Maaaring pumunta sa mga regional offices, provincial offices, satellite offices upang maghain ng reklamo sa mga kompanya na hindi nagbibigay ng holiday pay sa mga empleyado.