Hindi bakunadong empleyado, hindi maaaring tanggalin— DOLE

Hindi bakunadong empleyado, hindi maaaring tanggalin— DOLE

NILINAW ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi maaaring tanggalin ng mga employer ang kanilang manggagawang tumangging magpabakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ni Bello, walang basehan para tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa ngunit maaari namang sabihin ng mga employer na huwag itong mag-report sa trabaho.

Dagdag pa ng kalihim, ang mga employer ay maaari namang magpatupad ng “No Work, No Pay” policy kung ang mga empleyado ay hindi papasok o hindi gagawin ang kanilang trabaho.

Bagama’t hindi maaaring pilitin ang mga tao na magpabakuna, sinabi ni Bello na mayroon namang exemption sa ilalim ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) hinggil sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Iginiit ni Bello na ang pagpapabakuna ay maaaring ituring na isang job qualification at hindi isang uri ng diskriminasyon kaya hindi maaaring tanggalin ang mga empleyao

Samantala, tungkol naman sa mga nag-aaplay ng trabaho, sinabi ni Bello na nasa employer pa rin ang pagpapasya kung tatanggapin o hindi ang mga hindi bakunadong aplikante.

SMNI NEWS