INIHAYAG ng grupong SINAG na hindi dapat lalagpas ang presyo ng pulang sibuyas sa P150 kada kilo.
Ito’y dahil nasa P90 lang anila kada kilo ang farm gate price ng pulang sibuyas habang P40 sa puti.
Tugon nila ito sa mahigit P200 na presyo kada kilo sa mga pamilihan sa kasalukuyan.
Sa katunayan, binabarat pa ayon sa SINAG ang mga magsasaka matapos payagan ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng 4K metric tons ng sibuyas.
Panawagan ngayon ng grupo, huwag na munang mag-angkat ng sibuyas dahil anihan na at hindi rin kinukulang ang suplay.
Follow SMNI News on Rumble