KAUNA-unahang Black woman si Beyonce na nakakuha ng Number 1 spot sa Billboard Country Albums Chart.
Para ito sa kaniyang latest album na “Act II: Cowboy Carter”.
Ayon sa industry data at analytics company na Luminate, 407K ang equivalent album units ng “Cowboy Carter”.
Kombinasyon ito ng album sales at on-demand streams simula nang i-release ito noong Marso 29, 2024.