BIDA program ng DILG, inilunsad sa Oriental Mindoro

BIDA program ng DILG, inilunsad sa Oriental Mindoro

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang BIDA program nito sa Oriental Mindoro.

Pinangunahan mismo ni Interior Secretary Benhur Abalos ang nasabing launching kasabay ng pamimigay ng mga regalo sa mga residente ng bayan ng Pola.

Nasa mahigit na 200 pares ng tsinelas ang naipamahagi ng programa sa mga kabataan habang libreng pagkain naman ang ibinahagi sa mga Mangyan Day Care pupils.

Paliwanag naman ni Abalos, umiikot ang kanilang aktibidad sa iba’t ibang panig ng bansa para magbigay ng kaalaman at babala sa mga kabataan at komunidad kaugnay sa masamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan ng isang indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter