Biden, bibisita sa Japan chip plant kasabay ng G7 Summit Sidelines

Biden, bibisita sa Japan chip plant kasabay ng G7 Summit Sidelines

POSIBLENG bumisita si U.S. President sa isang semiconductor factory na ino-operate ng isang U.S. chip giant sa Western Japan kasabay ng pagbisita nito sa Group of Seven Summit sa Hiroshima sa buwan ng Mayo.

Upang ipakita na ang malapit na koordinasyon ng Japan at Estados Unidos sa sektor ng semiconductor, sasamahan ni Prime Minister Fumio Kishida sa planta ng Micron Technology Incorporated.

Ang Micron Memory Japan K.K. sa Hiroshima Prefecture ay makatatanggap ng suporta mula sa gobyerno ng Japan ay nagsimula na sa mass production ng advanced memory chips noong nakaraang Nobyembre.

Matatandaan na pinapalakas ng Washington at Tokyo ang supply chain ng semiconductors, dahil isa umano itong importanteng bahagi ng national security.

Samantala, nakatakda namang limitahan ng Japan kasama ang The Netherlands ang pag-export ng high-end semiconductor technology sa China dahil na rin sa hiling ng Washington.

Ang pagsiguro naman sa economic security ang magiging pangunahing tema ng 3 araw na pagpupulong ng mga lider ng G7 nations na inaasahang magsisimula sa Mayo 19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter