Big-time illegal recruiter sa Laguna, naipasara ng DMW

Big-time illegal recruiter sa Laguna, naipasara ng DMW

NAIPASARA ang isang big-time illegal recruiter sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna.

Kasunod ito sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) at Department of Migrant Workers (DMW) kung saan naaresto ang isang Jonnalyn M. Sebastian, 39 taong gulang, na sinasabing isa sa apat na miyembro ng illegal recruitment ring.

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, nahaharap sa isang non-bailable na pagkakasala at posibleng habambuhay na pagkakakulong si Sebastian.

Napigilan naman ng DMW ang 33 overseas job applicants na mabibiktima ng illegal recruitment.

Samantala, nagpapasalamat naman si Ople sa PNP at sa lalawigan ng Laguna sa kanilang buong suporta sa paglaban sa illegal recruitment at human trafficking.

Follow SMNI NEWS in Instagram