Big-time oil price rollback, epektibo na ngayong araw

Big-time oil price rollback, epektibo na ngayong araw

EPEKTIBO na simula ngayong araw ng Martes, Mayo 9, ang halos P3 rollback sa ilang produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Sea Oil at Caltex, bababa ng P2.20 ang kada litro sa presyo sa kanilang gasolina habang P2.70 sa diesel.

May rollback din na P2.55 ang kada litro ng kerosene.

May kapareho ring price adjustment ang Petrogazz at Sea Oil.

Magiging epektibo ang rollback ngayong 6 am maliban sa Clean Fuel at Caltex na kanina pang madaling araw nagbaba ng presyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter