Bilang ng bentahan ng SIM cards, bumaba dahil sa mandatory registration

Bilang ng bentahan ng SIM cards, bumaba dahil sa mandatory registration

BUMABA ang bilang ng mga nabentang SIM cards kasunod ng pagpapatupad ng mandatory SIM Card Registration Law.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy, kadalasan sa bumibili ng SIM cards ay pawang mga scammers at sindikato umano dahil madidispose lang nila ito pagkatapos gamitin at dahil sa batas ay hindi na sila basta-bastang makagagawa nito.

Dagdag ni Uy, mas bababa pa ang maibebenta ng SIM cards sa oras na matapos ang registration period. mandatory 

Matatandaan, una nang sinabi ng naturang ahensya na mahigit 12% ng SIM cards sa buong bansa ang nairehistro na as of January 15, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter