Bilang ng gun ban violators, pumalo na sa 334

Bilang ng gun ban violators, pumalo na sa 334

SUMAMPA na sa 334 ang bilang ng mga arestado sa paglabag sa ipinatutupad na election gun ban sa buong bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC), nangunguna sa listahan ang National Capital Region na 95 na indibidwal kasama ang isang dayuhan ang naaresto. Sinundan naman ito ng Region 3 na may 78 na kaso kasama ang isang tauhan ng AFP.

Sa kabuuan, nakapagsagawa na ng mahigit walumput apat na libong COMELEC checkpoint ang mga kapulisan at militar.

National Election Monitoring Action Center, nakapagtala ng 5 suspected election-related incidents

Sa ngayon, nasa lima na rin ang naitalang suspected election related incidents na may tig-iisang kaso sa Region 2 at Region 12 habang 3 kaso naman sa Region 6.

Bagamat patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa mga detalye ng mga ito.

Sa kabuuan, umabot na sa 337 ang bilang ng mga armas na nakumpiska ng mga awtoridad mula sa iba’t ibang operasyon nito kabilang na ang checkpoints at ilang police response.

Pinakamaraming nakumpiska ang revolver at pistol kasama na ang ilang mga pampasabog na nakuha.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble