Bilang ng maaaring makadalo sa 2024 Paris Olympics opening, binawasan

Bilang ng maaaring makadalo sa 2024 Paris Olympics opening, binawasan

BINAWASAN na ng France ang magiging bilang ng tao na maaaring makakadalo sa opening ceremony ng 2024 Paris Olympics sa Hulyo.

Sa ibinahagi ni French Interior Minister Gerald Darmanin, nasa 300-K na fans na mayroong ticket ang papayagang mag-attend.

Noong 2022 ay nasa anim na 400-K ang iminungkahi ni Darmanin.

Ang pagbabawas ng bilang ng makadadalo ay tugon sa pangamba ng ilang security services sa France hinggil sa open space na pagsasagawa ng seremonya.

Anila, mahirap tiyakin ang seguridad sa malawak na area at malaki rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng terror attack o stampede.

Aabot naman sa 45-K miyembro ng French security forces ang ide-deploy sa nabanggit na event kasama ang libu-libo ring pribadong security guards.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter