Bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa NCR bumababa na —DOH

Bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa NCR bumababa na —DOH

INIHAYAG ng Kawagaran ng Kalusugan na ang kabuuang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay nabawasan ng mahigit 20%.

Sa pulong ng Inter-agency Task Force, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mula 5.78%, nasa 4.6% na ang case fatality rate ng NCR.

“Ang maganda naman pong nangyayari sa NCR ay malaki-laki po ang ibinaba ng case fatality rate nila. Bumagsak po ito ng mga 26 percent,” pahayag ni Duque.

Samantala ang case fatality rate naman ng buong Pilipinas ay 1.76% sa kasalukuyan.

Hanggang Hulyo 12, ang bilang ng COVID-19 deaths sa bansa ay 26,015 matapos madagdagan ng isang daan.

Sa mga pasyenteng may edad na hanggang 49 taong gulang, 0.42% ang case fatality rate.

Habang nasa 5.3% naman ang mula 50 hanggang 80 taong gulang.

“This is the reason why the vaccination of senior citizens are also being prioritized,” ayon pa kay Duque.

Dagdag naman ni Duque na bumababa na rin ang trend ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Pero giit ng Health Secretary nanatili pa ring tayong nasa laban mula sa mga variant ng COVID-19.

Aniya daoat maiwasa ng bansa ang nararanasang COVID-19 surges ng ibang bansa dahil sa Delta variant na 60% mas nakakahawa kaysa  sa original strain ng virus.

“The efforts that led to plateauing of cases in Luzon, including Metro Manila, and slow decline of infections in the Visayas and Mindanao should not be wasted,” wika ni Duque.

Sa kabilang banda, hinimok ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo ang publiko na magpabakuna kahit anu mang brand para maprotektahan ang sarili mula sa delta variant.

Ani Domingo lahat ng inaprubahang COVID-19 vaccines ay makakapagbigay ng karagdagang proteksyon mula sa naturang variant kahit pa iba-iba ang efficacy levels ng bawat brand.

“There’s a decreasing efficacy as we get more mutations but hindi naman po nawawala ang bisa ng bakuna. It’s still a useful vaccine,” ani Duque.

Aniya ang AstraZeneca ay may 66% efficacy rate laban sa Alpha variant at 60% mula sa Delta.

Ang Moderna at Johnson&Johnson naman ay may hindi baba sa 80% na efficacy mula sa Delta variant.

Ang ibang COVID-19 vaccine brands naman tulad ng Sinovac at Sinopharm ay patuloy pa na nagsasagawa ng trials kontra sa mga variant.

SMNI NEWS