Bilang ng naapektuhang flights sa NAIA T3, nasa 48 na

Bilang ng naapektuhang flights sa NAIA T3, nasa 48 na

UMAKYAT na sa 48 ang nakanselang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bunsod ng power outage ngayong Lunes.

Matatandaang pasado ala una na ng madaling araw nang mag brown out sa NAIA T3 at naibalik ang supply ng kuryente alas 8:54 na ng umaga.

Bunga nito, nagsagawa na rin ng inspeksiyon si DOTr Secretary Jaime Bautista at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan para alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.

Sa ngayon balik na sa normal ang flight operation sa naturang paliparan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter