Bilang ng rehistradong PWD sa bansa, umakyat na sa higit 2.5 milyon—NCDA

Bilang ng rehistradong PWD sa bansa, umakyat na sa higit 2.5 milyon—NCDA

UMABOT na sa mahigit 2.5 milyong Pilipino ang rehistradong Persons with Disabilities (PWDs) sa buong bansa, ayon sa pinakahuling ulat ng National Council for Disability Affairs (NCDA).

Batay sa datos mula sa Department of Health hanggang Hunyo 17 ngayong taon, tumaas ng 35% ang bilang ng mga rehistradong PWD mula sa dating mahigit 1.8 milyon noong Hunyo 2024.

Pinakamarami sa kanila ay may pisikal na kapansanan, na aabot sa mahigit walong daan at dalawampu’t pitong libong katao—mga indibidwal na may limitasyon sa paggalaw ng katawan o motor skills.

Ngunit hindi lahat ng kapansanan ay nakikita. Tinatawag itong “invisible disabilities”, na kinabibilangan ng: speech impairment, psychosocial disability, visual disability, mental disability, intellectual disability, deaf or hard of hearing, cancer, learning disability at rare diseases.

Disability cases per type of disability:

As of June 17, 2025

Speech impairment – 335,763

Psychosocial disability – 314,210

Visual disability – 251,302

Mental disability – 152,762

Intellectual disability – 141,242

Deaf or hard of hearing – 129,021

Cancer – 110,880

Learning disability – 102,623

Rare diseases – 49,112

Iniulat din ng DOH na lahat ng 17 rehiyon sa bansa ay nagtala ng pagtaas sa rehistradong PWDs sa pagitan ng 2024 at 2025.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagtaas ay bunga ng mas maayos na reporting systems at access sa mga serbisyong pangkalusugan na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan. Dahil dito, mas natutukoy at nairehistro ang mga kaso ng kapansanan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Isa itong patunay na unti-unting nagiging mas inclusive ang ating mga serbisyo publiko para sa ating mga kababayang may kapansanan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble