PINALILIMITAHAN ni Ang Probinsyano Party-list Alfred delos Santos ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal.
Ito aniya ay dahil posibleng magagamit ng isang indibidwal ang ipinarerehistrong multiple SIM sa panloloko o scam.
Bukod dito, iminungkahi rin ni Delos Santos sa mga telecommunication company na alisin sa kanilang talaan ang mga inactive nang number para sa mas maayos na pagrerehistro.