PUMALO na sa higit 11.2 milyon ang nagparegister ng kanilang mga SIM card ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Batay sa datos ng NTC, umakyat na sa kabuoang bilang na 11,219,722 ang mga SIM registrant.
Sa nasabing bilang, 1,017,012 ay Dito subscribers, 5,030,649 naman sa Globe habang 5,172,061 ang Smart subscribers.
Patuloy na minomonitor ng NTC sa pamamagitan ng kanilang binuong task force ang implementasyon ng SIM registration sa loob ng 180 days.