Bilangguan sa Minnesota, isinailalim sa lockdown matapos na magprotesta ang mga bilanggo

Bilangguan sa Minnesota, isinailalim sa lockdown matapos na magprotesta ang mga bilanggo

ISANG bilangguan sa estado ng Minnesota sa Estados Unidos ang isinailalim sa lockdown noong Linggo matapos na tumanggi ang dose-dosenang bilanggo na bumalik sa kanilang mga selda.

Ang protesta ay isinagawa ng 100 bilanggo at wala namang naiulat na insidente sa pangyayari sa Stillwater Correctional Facility.

Samantala, lumalabas naman na hindi masaya ang mga bilanggo na palaging nasa selda nila dahil sa understaffing noong Labor Day weekend.

Ayon sa spokesperson ng Department of Corrections (DOC), lahat ng bilanggo ay bumalik na sa kanilang mga selda.

Nakapuwesto na rin ang karagdagang police units firefighters at iba pang emergency team sa labas ng pasilidad sa Baywater.

Ayon naman sa mga tagapagsulong ng karapatan ng mga bilanggo, ang protesta ay para sa mga nararanasan ng mga bilanggo sa correctional facility kabilang na ang matinding init, limitadong access sa shower, yelo, at hindi malinis na inuming tubig.

Ayon naman sa DOC, ang bilangguan ay kulang ng aabot sa 50 officer kaya nagkaroon bigla ng intermittent lockdown sa mga inmate mula noong Biyernes.

Ang patuloy naman na pag-init ng panahon sa Amerika ay nagdulot muli ng atensiyon sa gobyerno ng Estados Unidos ukol sa sitwasyon sa mga bilangguan at reporma para dito.

Follow SMNI NEWS on Twitter