GOING world tour na nga ang BINI this year, at dahil diyan, inilabas na nga ng grupo ang kanilang panibagong extended play na “BINIVERSE” na tiyak magugustuhan ng international at local blooms.
Sa bagong album, tampok dito ang kanilang kantang “Cherry on Top”, “Binimo” Remix, “Blink Twice”, “Secrets”, “Out of My Head”, at “Zero Pressure.”
Yayakapin ng grupo ang iba’t ibang genre tulad ng Synthpop, Europop, 90’s R&B, at Disco Pop.
Mula sa sikat na mga kanta layunin din nila ngayong taon na makapaglabas ng mga kantang Ingles upang ma-cater ang international blooms.
Bubuuhin naman ang “BINIVERSE” world tour ng international at local producers at song writers.
Mula sa maliit na entablado hanggang sa buong mundo, goal din ng girl group na makapag-colab sa sikat na mga music artists at ang makapag-perform sa pinakasikat at prestihiyosong music festival sa buong mundo na Coachella.