Take it easy blooms dahil naka-set na ang homecoming fan meet ng nations girl group na BINI.
Sa kanilang official Instagram, inanunsyo nila ang “Here with You” fan meet ngayong June 29, 3pm sa SM Mall of Asia Arena. Exclusive naman ang free event sa lahat ng miyembro ng BINI Global at maaaring makuha ang tickets ngayong June 14.
Kamakailan lang ay nag-perform ang grupo sa New York, Toronto, London at Dubai, at nasa ibang bansa pa rin para sa nagpapatuloy na BINIverse World Tour.
Ngayong araw ay nakatakdang mag-perform ang grupo sa Washington D.C.
Ire-release din nila ang new special single na “Shagidi” sa June 5.
See you sa kanilang homecoming, blooms!