MAGSASAMPA ng kaso laban sa mga mamimili ng peke o ghost receipts syndicate ang Bureau of Internal Revenue (BIR).
MAGSASAMPA ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) si BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. laban sa mga mamimili o kliyente ng peke o ghost receipts syndicate.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lumagui na nagsampa rin ang ahensiya ng mga kasong kriminal laban sa kanilang mga corporate officer, sa mga accounting firm na kanilang kinasangkutan, at sa mga Certified Public Accountant (CPA) na pumirma sa kanilang mga dokumento.
Ayon kay Lumagui, ang sindikato ay nagrerehistro ng mga ghost company na ang tanging layunin ng negosyo ay magbenta ng mga orihinal na resibo upang ang kanilang mga mamimili ay maaaring ilegal na mabawasan ang kanilang mga pananagutan sa buwis.
Matatandaang nagsampa si Lumagui ng mga kasong kriminal laban sa mga nagbebenta at sa kanilang CPA noong Marso 2023.