Bisa ng naunang 5 EDCA sites sa Pilipinas, kinuwestiyon ng isang eksperto

Bisa ng naunang 5 EDCA sites sa Pilipinas, kinuwestiyon ng isang eksperto

KINUWESTIYON ni International Relations Expert Sass Rogando Sasot ang bisa ng 5 naunang itinayo na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Ito’y dahil sa sinasabi na ang layunin ng EDCA sites ay para sa humanitarian missions at disaster response.

Itinatanong din nito na kung para sa disaster relief ay bakit hindi itatayo ang apat na dagdag na EDCA sites sa mga lugar tulad ng Bicol o Eastern Visayas at sa mga lugar na madalas tinatamaan ng sakuna.

Sinabi na rin ni Rogando-Sasot na ang mga EDCA site sa bansa ay bahagi ng forward operating bases ng Estados Unidos para sa kanilang misyon sa Taiwan.

Samantala, hindi naniniwala ang international expert na ang pagpayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na dagdagan ang EDCA sites ay dahil sa nangyaring pagtutok ng Chinese Coast Guard ng laser sa Filipino vessels.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter