IPINAG-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Jay Art Tugade, ang pagpatutupad ng 3 taong bisa o validity ng rehistro ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.
Ang mga motorsiklong may engine displacement na 201cc pataas ang mayroong 3 taong bisa ng initial registration sa ahensiya.
Gayunman, napagdesisyunan ng LTO chief na gawin na ring 3 taon ang validity ng rehistro ng mga motorsiklong nasa 200cc pababa ang makina.
Bahagi ito ng mga hakbang ng LTO na maging mabilis ang proseso at mapagaan ang mga transaksiyon ng publiko sa ahensiya.
Inaasahan na aabot sa 200 milyon ang nagparehistro ng motorsiklo na nasa 200cc pababa ang makina, ang makikinabang sa bagong polisiya.
Epektibo ang memorandum sa Mayo 15, 2023.