PINASINAYAAN at nagsimula na ring magserbisyo ang bagong itinayong district office ng Land Transportation Office (LTO) sa Orani, Bataan.
Pinangunahan ang grand opening ceremony ni LTO chief assistant Secretary Jose Art “Jay Art” Tugade na dinaluhan din ng mga lokal na opisyal ng Bataan.
Binigyang-diin ni Tugade na layon ng pagbubukas ng karagdagang tanggapan ng ahensya ay upang higit na mailapit sa taumbayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.