INIHAYAG ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa na 94 porsiyento sa donated na 390,000 doses ng bivalent vaccine ay ubos na.
Indikasyon aniya ito na naging maganda ang roll out ng bivalent at paubos na ang bakuna bago pa ito mag-expire sa Agosto 30.
Sa ngayon ay susubukan ng DOH na makakuha ng panibagong bakuna ng bivalent maging ang pinakabagong monovalent XBB vaccine.
Matatandaan na rekomendado ng World Health Organization ang naturang bakuna na panlaban umano sa XBB.1 linegaes na dominant ngayon sa buong mundo.
Ayon kay Herbosa mayroong inaalok ang COVAX Facility na 2M doses para sa monovalent XBB vaccine pero hiniling aniya nito na bawasan ang ido-donate na bakuna dahil sa takot na baka maabutan lang ito ng expiration dahil sa mababang shell nito.