Biyahe papuntang Dubai para sa COP28, ikinansela ni PBBM

Biyahe papuntang Dubai para sa COP28, ikinansela ni PBBM

IKINANSELA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang biyahe patungong Dubai para sa World Climate Action Summit o COP28.

Ito aniya ay dahil sa mahahalagang developments na may kaugnayan sa sitwasyon ng 17 Pinoy seafarers na na-hostage sa Red Sea.

Sa isang social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na mas mainam na daluhan niya ang isang pagpupulong ngayong araw kasama ang bansang Iran kung saan tatalakayin ang posibleng tulong na ipaaabot sa mga seafarer.

Nakatakda sanang bumiyahe ngayong araw si Pangulong Marcos papuntang Dubai.

Sa ngayon ay si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na ang mangunguna sa delegasyon ng bansa para sa COP28.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble