NAKIKIPAG-ugnayan na ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa para mai-release ang mga na-hostage ng Houthi rebels lalong-lalo na ang mga Pilipinong ship crew sa Red Sea.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nagpapatuloy ang negosasyon para maiuwing ligtas ang mga crew.
Matatandaang nasa 25 crew members ng isang Israeli-linked cargo ship na Galaxy Leader ang na-hostage ng mga ito.
Nasa 17 mga Pilipino ang kasama sa mga na-hostage subalit sinabi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maayos naman ang kanilang sitwasyon.
Ang natitirang bilang ay binubuo ng mga Bulgarian, Mexican, at Ukrainian nationals.