BALIK-operasyon na ang biyaheng dagat sa Batangas ngayong araw, Mayo 31 matapos tanggalin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang banta nitong masamang panahon sa probinsiya.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Batangas, normal na ang operasyon pati ang maliliit na bangka sa probinsiya ng Batangas.
At abiso nito na tinanggal na ng PAGASA ang babala nito sa matinding hangin sa probinsiya na dulot ng Bagyong Betty.
Matatandaan na noong Lunes nang suspendehin ng PCG ang biyaheng dagat para sa mga maliliit na bangka na may 250 ground tonnages o mas mababa gaya ng motorized passenger o fishing boat sa probinsiya dahil sa nasabing bagyo.