Pagpupumilit na pauwiin si Cong. Teves, ipinagtataka ng kaniyang legal counsel

Pagpupumilit na pauwiin si Cong. Teves, ipinagtataka ng kaniyang legal counsel

IPINAGTATAKA ng legal counsel ni Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. ang pagpupumilit ng karamihan na pauwiin ang kongresista sa Pilipinas.

Sa Kapehan sa Manila Bay, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na walang obligasyon si Cong. Teves bilang Pilipino na bumalik sa bansa lalo na may karapatan itong bumiyahe sa ibang bansa.

Kinikilala rin ng Korte Suprema na mayroong karapatan ang lahat sa ‘self-preservation’.

Sinabi pa ni Topacio na hindi talaga uuwi si Cong. Teves dahil maraming banta sa buhay nito.

Noong Enero 2023 ay sinabi na ng kongresista na may impormasyon itong nakuha na isang raid ang isasagawa sa kaniyang bahay.

Tatamnan din aniya ito ng ebidensiya batay sa nasagap na impormasyon ng kongresista.

Sa kasalukuyan ay hindi pa tukoy kung saan si Cong. Teves sa gitna ng alegasyong mastermind ito sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter