MAGKAKAROON ng karagdagang limang S-70i Black Hawk helicopter units ang Philippine Air Force (PAF).
Ito’y dahil darating na ang mga ito ngayong linggo mula sa PZL Mielec, isang Polish subsidiary ng American company na Lockheed Martin.
Ang darating naman na lima ay kabilang sa 32 Black Hawk helicopters na binili ng bansa sa ilalim ng kanilang modernization program.
Sa ngayon, dahil hindi pa nakarating ang lima ay nasa 10 pa lang mula sa 32 ang nasa mga kamay ng Air Force.