Blackpink Lisa, first female K-pop artist na may mahigit 1-B streams sa Spotify

Blackpink Lisa, first female K-pop artist na may mahigit 1-B streams sa Spotify

TINAGURIANG “first female K-pop artist” si Lisa ng Blackpink na nagkaroon ng mahigit one billion streams sa Spotify bilang solo artist at bilang member ng isang grupo.

Para ito sa kaniyang single na “Money” at sa “How You Like That” na kanta ng kaniyang grupong Blackpink.

Si Lisa na ang pinakalatest sa mga natatanging female artists sa kasaysayan na nagkaroon ng mahigit one billion streams para sa dalawang nabanggit na categories.

Ang iba ay si Normani para sa kaniyang “Dancing with a Stranger” bilang soloist at sa kantang “Work From Home” bilang myembro ng American girl group na Fifth Harmony.

Si Camila Cabello ay nagkaroon ng mahigit one billion streams para sa kanta nitong “Havana” at “Senorita”.

Bilang dating miyembro din ng Fifth Harmony ay credited din ito para sa kantang “Work From Home”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble