MAGBABALIK na nga sa music scene ang main dancer ng Blackpink na si Lisa.
Sa anunsiyo ng kaniyang sariling agency na LLOUD, sa Hunyo 28, 9 am Korea standard time ang release ng magiging kanta.
May pamagat naman itong “Rockstar”.
Ito ang pagbabalik ni Lisa bilang solo artist mula nang i-release nito ang “Lalisa” at “Money” taong 2021.
Ito na rin ang magiging unang musical output ni Lisa sa ilalim ng collaboration ng LLOUD at American label na RCA Records.