IPINUNTO ni Rep. Isidro Ungab ang mga blankong item na pinirmahan sa bicam report, at itinanong kung bakit naging kumpleto ang mga ito nang dumating sa GAA.
“‘Yung president’s message sa budget, sinasabi niya P977-B, number 1 ‘yung budget ng education, number 2 ang DPWH which is P900-B.
Pagdating sa bicam, binawasan ng P31-B ‘yung education tapos dinagdagan ng P288-B ang DPWH. Pinag-aralan ko, nakita ko ‘yung blank items.
Alam naman natin na this is not mere typo errors, blanko eh, 28 blank items, hindi mo basta-bastang ma-disregard ‘yan.
May mali talaga, highly questionable, pinirmahan eh. At hindi lang pinirmahan, ratified ng bicam committee ng both the House and Senate, hindi mo na pwedeng baguhin. ‘Yun ang question, bakit pagdating ng GAA, kumpleto na?” pahayag ni Cong. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City.
**Citation:** Pahayag ni Cong. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City