BOC, naging hamon ang masamang imahe na pagtingin ng mga tao sa kanila

BOC, naging hamon ang masamang imahe na pagtingin ng mga tao sa kanila

AMINADO ang Bureau of Customs (BOC) na isa sa hamon na kinahaharap nila ay ang masamang imahe ng pagtingin sa kanila ng mga tao.

Inihayag ni Bureau of Customs Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla na hindi lahat ng masamang imahe dulot ng maraming reklamo na natatanggap nila sa mga tao ay kagagawan ng mga kawani ng BOC.

Paglilinaw ni Maronilla, maraming mga bagay na minsan hindi nila maipaliwanag lalo na’t kahit hindi nila problema ang itinuturong dahilan ay ang BOC.

Bukod sa mga reklamo na mga balikbayan boxes kahit hindi nila ito kasalanan pati ang mga nabibiktima ng love scam sila pa rin ang itinuturo.

Giit ng opisyal hanggang ngayon kahit pabalik-balik ang isyu at paulit-ulit ang pagbibiktima sa love scams ang BOC pa rin ang itinuturong may kasalanan.

“Every December, every Valentines Day mayroong nabibiktima eh. Iisipin niyo naman may magpapadala ba ng dalawang milyong dolyar sa Post Office at sasabihin na iniipit ng taga Customs magbigay ka ng 200,000. Tapos kapag nakapagbigay na saka magrereklamo sa amin nakita namin na ini-scam lang siya. Never pa niyang na-meet ‘yung kanyang supposedly boyfriend  or girlfriend ‘di ba?” ayon kay Maronilla.

Sa kabila nito, pinaliwanag pa rin ni Atty. Vincent na ginagawan naman nila ng paraan at naibigay na nila ito sa kanilang call center ang mga impormasyon para matukoy ang mga scammer.

Gayunpaman, sa kabila ng masamang imahe umano ng BOC ay ipinagmamalaki naman ng naturang ahensiya na sa simula ng panunungkulan ng Duterte administration ay hindi bumababa sa 92 percent ang kanilang revenue efficiency rating hanggang ngayon.

“In fairness to the Duterte Administration, the Bureau of Customs since 2016 has not have a revenue efficiency rating of lower than 92 percent,” ani Maronilla.

Ayon din sa naturang ahensiya kung meron man anumang problema o reklamo maaari naman silang dumirekta sa BOC pero minsan tiyakin din kung saan ang pagkakamali at hindi palagi sa BOC.

BASAHIN: Modernong operations center, ipinagmalaki ng Bureau of Customs

Follow SMNI News on Twitter