BOC, pinaigting pa ang border security efforts; X-ray machines, dinagdagan pa

BOC, pinaigting pa ang border security efforts; X-ray machines, dinagdagan pa

NAG-deploy ng karagdagang X-ray machines ang Bureau of Customs X-ray Inspection Project (BOC XIP) bilang bahagi ng kanilang mandato sa trade facilitation at border protection laban sa mga kontradandong produkto.

Ayon sa BOC, isang unit ng Nuctech mobile container X-ray scanner ang idineploy sa Port of Cebu habang isa pa ang idineploy sa Port of Cagayan de Oro.

Bukod dito, mag-dedeploy rin ang ahensya ng 1 astrophysics fixed checked-in baggage scanner at 2 astrophysics hand-carry baggage scanners sa Boracay International Airport na makatutulong na makapagdetect ng smuggled goods na itinago sa mga bahagi ngayong naghahanda ang mga ito sa pagbubukas ng international flights sa Disyembre.

Samantala, patuloy na sinasanay ng BOC-XIP ang kanilang personnel para pataasin ang kanilang kaalaman at enforcement operations capabilities.

Ang inisyatibo ay bahagi ng marching orders ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz na pahusayin ang employee competence at palakasin ang security measures para matigil ang smuggling at iba pang Customs fraud sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter