Body cameras ng traffic enforcers, magtatagal ng hanggang 8 oras—MMDA

Body cameras ng traffic enforcers, magtatagal ng hanggang 8 oras—MMDA

MAGTATAGAL ng hanggang 8 oras ang body cameras ng traffic enforcers ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Magtatagal ng anim hanggang walong oras ang baterya ng body-worn cameras ng traffic enforcers.

Ayon ito kay MMDA acting Chairperson Don Artes sa naging meeting nito noong Hulyo 5 kasama ang enforcers.

Ang body-worn cameras ay may geotag rin kung saan maaaring malaman ng MMDA ang lokasyon ng camera at mismong enforcers.

Sinabi ni Artes na magagamit ang nilalaman ng body-worn cameras bilang ebidensiya at bilang monitoring sa traffic ng Metro Manila.

Ang sinumang traffic enforcers na papatayin ang body cameras ay iimbestigahan at mahaharap sa kasong administratibo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter