MARAMING pribadong kompanya ang nakikita ang benepisyo ng artificial intelligence (AI) sa kanilang industriya.
Pero babala ng isang IT expert na kung hindi makokontrol ang paggamit ng AI, magreresulta ito ng job displacement.
Sumayaw, sumulat ng lyrics, at sumagot ng mga tanong ukol sa iba’t ibang bagay.
Ilan lamang iyan sa kayang gawin ni ‘Cruzr’ na isang AI robot.
Ang AI ay isang simulation ng human intelligence na pinoproseso ng mga makina lalung-lalo ng computer systems.
Sa pamamagitan ng AI, kaya nang gawin ng mga makina o sistema ang mga bagay na dati tao lang ang nakagagawa.
Maraming industriya tulad na lamang sa banking industry ang nakikita ang maraming benepisyo ng paggamit ng AI.
Ayon kay Union Bank CEO Edwin Bautista, ilan sa gamit ng AI ay ang pag-detect ng fraud hanggang sa pagtukoy kung magbabayad ang isang customer sa kaniyang loan.
“AI is already being used by many of the banks in the area of… It’s very good in making sense of mass of data. For example fraud, fraud detection,” ayon kay Edwin Bautista, CEO Unionbank.
“That’s what AI can do very well. It can process data at the speed of light, speed of thought and tell you and suggest certain things,” dagdag ni Bautista.
Hindi pag-regulate sa paggamit ng AI, magreresulta ng pagkawala ng maraming trabaho—IT Expert
Pero nagbabala ang isang IT expert na kung hindi mare-regulate ang paggamit ng AI ay magreresulta ito sa pagkawala ng maraming trabaho partikular na sa mga factory worker.
Iyan din ang isinaad sa isang resolusyon ni Sen. Imee Marcos na tinatayang nasa 1.1 milyong mga trabaho sa Pilipinas ang mawawala pagsapit ng 2028 batay sa pag-aaral ng Oxford Economics at U.S. based digital technology company na Cisco.
Bagay na ipinunto rin ng World Economic Forum na 14 milyong trabaho sa buong mundo ang mawawala hanggang 2027 dahil sa AI.
“Ang isa sa mga risk niya is yung job loss, job displacement. So kailangan malaman ng government ngayon kailangang mag-isip ang government paano natin bibigyan ng trabaho ‘tong mga taong mawawalan ng trabaho,” ayon kay Art Samaniego, IT Expert.
Sumang-ayon din si Cong. Jose Francisco “Kiko” Benitez, chairperson ng Committee on Housing and Urban Development, na i-regulate ang paggamit ng AI at tiyakin na maproprotektahan ang mga manggagawang Pilipino.
Isa sa mga isinusulong ni Benitez ay ang skilling at re-skilling ng mga manggagawa upang makasabay ang mga ito sa patuloy na mga pagbabago sa modernong panahon ngayon.
“I think AI needs to be regulated, so that it is in step with our own capacity to transition. I think the question is not so much whether we should say no to AI, but the nature of regulation that can ensure a certain level of protection for our people, even as we prepare and push for a proper transition,” ayon kay Cong. Jose Francisco Benitez Representative, 3rd District-Negros Occidental.
Pilipinas, maiiwan kung hindi sasabay sa ‘AI transition’—Mambabatas
Ipinunto naman ni Benitez na kung hindi makikipagsabayan ang Pilipinas sa paggamit ng AI, maiiwan ang buong bansa sa modernong panahon ngayon.
“If the country doesn’t join in the AI transition or transformation, ang buong bayan ay maiiwan. So, ang kailangan natin talaga, planuhin nang mabuti para klaro sa atin kung hanggang saan, anong uri, kailan, puwede tayong magtransition sa iba’t ibang klase naman ng AI,” ani Benitez.
Kauna-unahang AI Summit sa Pilipinas, isinagawa
Samantala, nitong Martes isinagawa ang kauna-unahang AI Summit PH na inorganisa ng Aboitiz Data Innovation katuwang ang Union Bank of the Philippines at Aboitiz Equity Ventures.
Layon ng summit na mapag-usapan ang mga hamon at oportunidad na hatid ng AI sa iba’t ibang sektor.
“We wanted to help other organizations. We wanted to help the nation, Philippines, see the potential, see the possibilities and benefit from these unwind possibilities. So, the objective of this event is really to be an event for everyone. To come, see, learn, exchange, get excited and hopefully take some of these learning’s back and operationalized AI for themselves, for their benefit and for their own consumers and customers’ benefit,” ayon kay Dr. David Hardoon, Chief Executive Officer Aboitiz Data Innovation.
